Luke 11:39-42

39Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, “Kayong mga Pariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, pero ang loob ninyoʼy punong-puno ng kasakiman at kasamaan. 40Mga mangmang! Hindi baʼt ang Dios na gumawa ng labas, ang siya ring gumawa ng loob? 41Para maging malinis kayo, kaawaan ninyo ang mga mahihirap at tulungan nʼyo sila sa kanilang pangangailangan.

42“Nakakaawa kayong mga Pariseo! Ibinibigay nga ninyo ang ikapu
ikapu: sa Ingles, “tenth o tithe.”
ng mga pampalasa
pampalasa: Ang dalawang salitang ginamit sa Griego ay tumutukoy sa dalawang uri ng tanim na pampalasa sa pagkain.
at mga gulay ninyo, pero kinakaligtaan naman ninyo ang makatarungan na pakikitungo sa kapwa at ang pag-ibig sa Dios. Magbigay kayo ng mga ikapu ninyo, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mas mahalagang bagay.

Copyright information for TglASD